
Ayan nakalibre nanaman ako ng tiket, hinakot ko na rin ang dalawa kong kapatid, ang ibang pinay at ibang kaibigan. Excited akong mapanood tong play na to dahil sa dalawang rason:
1. favorite ko si MULAN. Kasi like her, i also want to bring honor to my parents. hehe. yuck. pero totoo.
2. I played the role of Mulan when i was 16, i think. hehe. Kaya naging peyborit ko siya. Masarap makipaglaban, masarap mag anyong lalaki at higit sa lahat masarap maging matapang na BABAE.
Wow! colorpul ang costume. simple lang ang set design. Nakakairita nga lang talaga, to be honest, ang dalawang GODS na sumisingit sa play. technically, parang di bagay na andun sila pero i realized something pagtapos ng play....
Ako si Mulan. Pinatatakbo ng Diyos ang buhay ko according to HIS mighty purpose. Alam niya ang mangyayari sa akin. Alam niya na magaanyo akong lalaki at lalaban sa gyera! Alam niya ang kakayahan ko... naniniwala siya sa magagawa ko. Naniniwala siya na may magagawa akong MALAKI kahit na babae ako. Nasa tabi ko lang pala siya, di ko siya nakikita. Nung panahon na kailangan kong mag-decide kung magaanyo akong lalaki, andun siya. Nung panahon na nakkikipaglaban ako, nagtampo siya...kasi naman, di ko siya tinawag...hindi ako humingi ng tulong. Basta buong buhay ko, binantayan niya ako! Ang galeeng! Kaya happy ending ang buhay ko with matching gwapong lalaki... Ako si Mulan! Ang saya!
Galing Sir Dennis! Galing Mayen! Galing Bong!
Go MULAN!



