Monday, August 6, 2007

a blog entry that made me cry


Kung mayroon mang pagbabagong naganap sa akin nitong mga nakalipas na buwan ay dahil pa rin sa Pinay. Actually, dalawang pagbabago iyon. Una, naniniwala ako na pinadala Niya ang taong ito sa amin bilang instrumento. Ipinadala Niya ang taong ito upang baguhin ang mundo ni Tapey (Prey) na walang ibang laman kung hindi make-ups, movies, crushes, boylets, phone calls, chatting at kung ano-ano pa. Ngayon ko lang naramdamang college na pala ako dahil ngayon ko lang din nakita ang purpose ko. Ngayon ko lang din naramdamang kailangan at mahalaga ako. At dahil nga sa taong ito na walang gusto kung hindi maging instrumento ng pagbabago, naging ‘passionate’ ako sa ginagawa ko, mas minamahal ko kung ano ako ngayon, mas nagpapasalamat ako sa araw-araw at mas gusto kong ma-achieve ang goals ko. This person served as one of my inspirations while working on our production. Pinakita niya ang strengths niya sa aming lahat which gave us also the strength to go on. We felt her influence. At alam kong ganon din siya sa akin. If you only know how much it made my heart cry when you said, ‘I TRUST YOU, favorite’.

-I trust you, too, sister. Heaven sent ka! Hindi pa man natin nababago ang audience, may nabago ka na. At kaming mga members yun.=) (Umiyak kami ni Elaine nung prod party, ikaw kasi e.)


-Prey Dominguez

No comments: