Thursday, August 16, 2007

puting taxi

there are two kinds of pain: discipline and regret. totoo ito. kasi naman ilang beses na ako pinagsasabihan ng mga magulang ko, mga kapatid ko, mga kaibigan ko at ng sarili ko na wag nang maging CARELESS EVER! Ingatan ang gamit. wag iwanan kung saan saan. pero sadyang MAKAKALIMUTIN lang ba talaga ako o talagang CARELESS lang talaga? at ngayon dahil hindi ko dinisplina ang aking sarili---ako ay humarap sa isang NAPAKALAKING PROBLEMA.

Sana Thesis, film, devcomm, business plan at ang interview namin bukas kay Gibbs Cadiz at kay Sir. Dennis Marasigan nalang ang problema ko---dumagdag pa ang magiging adventure namin ni jam bukas sa paghahanap ng PUTING TAXI. Madaming puting taxi sa daan. Magkakapareho din ang mukha ng mga taxi driver. kaya hindi ko alam kung papaano kami magtatagpo. sana magtagpo ang aming landas. Sana mabait kang driver at iniisip mo din na hanapin ako. sana mabait kang driver at iniisip mo ang nararamdaman ko.

Halos hindi ko na ma-define ang nararamdaman ko ngayon, halong takot, kaba at FAITH. Ang hirap pala paghaluin. Pero dapat maghari ang FAITH. At sana pagtapos ng pagsubok na ito matutuo na akong magingat ng gamit. Lord, please help me. Sana gumawa ka ng miracle.

2 comments:

Anonymous said...

NICE BLOG.

Anonymous said...

"HISTORY MAKER "
pede po bang mahingi ang mga information nyo kailangan ko lang po kc ,, may "cell group" lang po kami sa aming church ... at kau po ang topic namin pede po ba ?? kung d po kau pumayag ok lang po ... ! d ko kc mahanap ang information nyo sa google ehh ,.. !! heheh ... !